top of page

BASILAN, PINAGKALOOBAN NG MILYON-MILYONG PISONG HALAGA NG PROYEKTO MULA SA BARMM GOVERNMENT

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Lumagda sa isang memorandum of agreement ang MILG at local chief executives sa lalawigan ng Basilan kasabay ng isinagawang Bangsamoro TABANG Convergence noong huling araw ng Setyembre.



Photo courtesy : MILG


Ito ay kaugnay sa mga proyektong pang imprastruktura na itatayo sa lalawigan bilang suporta sa Local Economic Enterprises (LEE) ng lokal na pamahalaan.


Kabilang dito ang pagtatayo ng PHP15.5-Million worth Public Market with mezzanine na itatayo sa munisipyo ng Al-Barka.


Ang mga pampublikong pamilihan ay inaasahang magpapalakas ng mga aktibidad sa ekonomiya at pag-unlad sa isla, dahil ang Bangsamoro government ay nagdadala din ng mas maraming serbisyo ng gobyerno sa mga isla ng BARMM.


Kabilang sa iba pang proyektong pang-imprastraktura ng MILG sa Basilan ang pagtatayo ng Municipal Police Station Building sa Hadji Muhammad Ajul; ang pagtatayo ng one story Public Market sa mga munisipalidad ng Lantawan, Tuburan, at Ungkaya Pukan.


Pinangunahan din ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) ang patuloy na pamamahagi ng 2,700 sako ng bigas para sa mga komunidad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), internally displaced person, at ang mga natukoy na mga benepisyaryo ng kani-kanilang local government units (LGUs).


Upang malaman kung paano mapakinabangan ang lahat ng mga serbisyo at proyekto ng Ministry ay ginawa rin sa mga Basileño sa pamamagitan ng service booth ng MILG sa loob ng Basilan Government Center, kung saan binuksan din ang ilang job opportunities sa mga naghahanap ng trabaho sa MILG Field Office Basilan.


Ayon kay MILG Minister Sinarimbo, ang convergence ng mga pagsisikap ng iba't ibang ministries sa pamamagitan ng Project TABANG ay pinasimulan ng Office of the Chief Minister upang maghatid ng humanitarian, livelihood, at iba pang serbisyo sa mga nasasakupan ng rehiyon.


Ang Project TABANG ay naglalayon na palawigin ang agarang direktang serbisyo sa Bangsamoro na nangangailangan, partikular sa mga nabubuhay sa kahirapan at apektado ng mga kalamidad at armed conflict.


End

0 views
bottom of page