BATAS TRAPIKO | SOUTH BOUND ROUTE
LTFRB BARMM NG MOTC, INILATAG SA COTABATO CITY GOVERNMENT ANG USAPIN HINGGIL SA PAGSASAASYO NG SOUTH BOUND ROUTE AT JOINT OPERATION SA PAGPAPATUPAD NG BATAS TRAPIKO

Nagtungo sa tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Mabalao ang mga kinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng Ministry of Transportation and Commissions.
Tinalakay ng LTFRB BARMM ang kapangyarihan nito sa pagbibigay ng prangkisa matapos ititurn-over ng LTFRB 12 ang lahat ng assets, properties at datos ng Cotabato City.
Tinalakay din sa pulong ang pagsasaayos ng South Bound Route na maaaring kumonekta sa Cotabato City sa mga karatig probinsya nito at ang pagkakaroon ng Joint Operation sa pagitan ng Cotabato City Government at LTFRB-BARMM sa pagpapatupad ng batas trapiko sa loob ng lungsod.