Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Bawas presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ngayong araw.
Mayroong apatnaput lima hanggang piso at pitumpong sentimong bawas presyo na ipinatupad ngayong araw sa mga produktong petrolyo ayon sa naging abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa.
Narito ang halaga ng ipatupad na price adjustment:
Caltex
GASOLINA -P0.45/L
DIESEL -P1.45/L
KEROSENE -P1.70/L
Cleanfuel
GASOLINA -P0.45/L
DIESEL -P1.45/L
Shell, Seaoil, Petron, Flying V
GASOLINA -P0.45/L
DIESEL -P1.45/L
KEROSENE -P1.70/L
PetroGazz, Jetti Petroleum, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum
GASOLINA -P0.45/L
DIESEL -P1.45/L
Ang bawas presyo na ito ay dahil umano sa pangamba sa recession sa Europa at Amerika, gayundin sa mga naging lockdown sa China bunsod ng COVID-19.
Pahayag naman ng Department of Energy, hindi pa rin sila sigurado kung magtutuloy-tuloy ba ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo dahil maaari pa umanong sumipa ulit ang demand o kaya'y magkulang ang supply sa mga susunod na linggo.