BAY AREA DRAGONS, WAGI KONTRA BLACKWATER SA 2022 PBA COMMISSIONER'S CUP

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Tinambakan ng Bay Area Dragons ang koponan ng Blackwater sa score na 133-85 para sa 2022 PBA Commissioner's Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City.


Nanguna sa pagkakapanalong ito si Myles Powell na nakakolekta ng 41 puntos.


Habang nag-ambag naman si Greg Yang ng 22 puntos at limang rebound.


Samantala, Tig-13 puntos naman sina Kobey Lam at Zhu Songwei habang 11 puntos naman kay Hayden Blankley.


Sa ngayon ay naghahandang muli ang Bay Area para sa kanilang susunod na laban bukas, araw ng Sabado, September 24 na gaganapin muli sa MOA kung saan makakasagupa naman nila ang koponan ng NorthPort.

3 views