top of page

BAYAN NG MALABANG AT TUBARAN SA LANAO DEL SUR, ISINAILALIM NA SA COMELEC CONTROL

KATE DAYAWAN

LANAO DEL SUR - Mariing kinondena ni Comelec Chairperson Saidamen Pangarungan ang mga iniulat na election-related violence sa Bukidnon at Malabang, Lanao del Sur.


Sa inilabas na pahayag ni Pangarungan, sinabi nito na habang nasa proseso na ng imbetigasyon ang Comelec, alay ng tanggapan ang karagdagang security details sa bawat presidential at vice-presidential candidate kung kanilang nanaisin.


Ito’y kasunod ng insidente ng pamamaril sa Bukidnon habang nakikipagdayalogo sa mga tribe leaders si presidential candidate Leody De Guzman noong April 19.


Samantala, isinailalim naman sa Comelec control ang bayan ng Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur alinsunod sa Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) No. 1 noong March 25, 2022 dahil sa ilang insidente ng karahasan na may kaugnayan umano sa eleksyon.


Nakasaad sa Comelec Resolution 10757 kapag naapektuhan ng sitwasyon ng peace and order ng isang lugar ang pagsasagawa ng eleksyon, maaaring maglagay ng political division, subdivision, unit or area affected sa ilalim ng immediate at direct control and supervision ang Comelec en banc.


Ang deklarasyon ng pagsasailalim sa Comelec control ay dahil sa insidente ng putukan na naganap noong Linggo ng gabi sa bayan ng Malabang kung saan ay mayroong mga ari-arian ang nasira at mga taong nasugatan sa insidente.

3 views
bottom of page