top of page

BAYAN NG PIKIT, BUMALIK NA SA NORMAL ANG SITWASYON; SEGURIDAD HINIHIGPITAN PA RIN

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Sa assessment ng PNP Region 12, wala nang naitalang pamamaril o ano mang insidente ng karahasan sa bayan ng Pikit, sa nakalipas na dalawang linggo.


Ayon kay Deputy Regional Director for Operations LTCOL Benito Rotia, bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa bayan.


Tuloy ang paghihigpit sa seguridad na ipinatutupad ng PNP sa bayan partikular sa mga checkpoint. Regular din ang ginagawang pagpapatrolya sa bayan.


Sa ngayon, hinihintay nalang ng PRO-12 ang mga datos mula sa Pikit Municipal Police Station hinggil sa imbestigasyon ng mga naitalang insidente nitong mga nakaraang linggo upang i-review at makita ang mga updates at pag-usad ng bawat imbestigasyon sa mga krimen.



END





0 views
bottom of page