top of page

BAYANIHAN BAKUNAHAN ROUND 2 SA ZAMBOANGA CITY, IPINAGPALIBAN

Amor Sending | iNEWS | December 15, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - Matapos maglabas ng advisory ang National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) at ang Department of Health ukol sa panganib na dala ng Tropical Storm Odette, ipinagpaliban muna ng Zamboanga City LGU ang gaganapin sanang Bayanihan Bakunahan Round 2 simula ngayong araw, December 15 hanggang December 17, at ito ay ililipat at gaganapin na sa December 20 hanggang December 22, 2021.


Bukod sa Region 9, kung saan napapabilang ang Zamboanga City, ipinagpaliban rin ang pagsasagawa ng National Vaccination Drive sa iilang bahagi ng bansa partikular na sa Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA at BARMM. Region 6, 7 at 8 naman sa Visayas at Region 5 at MIMAROPA naman sa Luzon.


Kaugnay ng gaganaping Bayanihan Bakunahan Round 2 sa December 20 hanggang December 22,


20,112 jab ng Covid-19 vaccine ang target na maiturok ng City Health Office sa tatlong araw na Vaccination drive.


Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite, may kabuuang tatlumpot walong vaccination sites ang bubuksan para sa tatlong araw na massive vaccination activities ng pamahalaan sa buong bansa.


Target aniya nila na mabigyan ng Covid-19 vaccine ang higit anim na libong katao kada araw.


Nagpapatuloy naman ang vaccination activities sa iba't ibang vaccination centers sa Zamboanga kung saan nasa 52% na ng target population ang fully vaccinated sa ngayon.



5 views
bottom of page