top of page

BBM AT MAYOR SARA DUTERTE, ISUSULONG ANG MAPAGKAISANG LIDERATO SAKALING PAPALARIN SA MAY 9, 2022

iNEWS | November 18, 2021


Photo courtesy: BBM


Cotabato City, Philippines - Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas Presidential Candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na naitawid na nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang tambalang inaasam ng kanilang taga-suporta.


Napagkasunduan ng dalawang lider na isulong ang mapagkaisang liderato sakaling palaring manalo sa Halalan 2022.


Sinabi rin nito na ipagpatuloy at palawigin pa ang magandang nagawa ng kasalukuyang administrasyon.


Nagpapasalamat rin ang dating senador sa lahat ng nakibahagi at naki-busina, saang dako man ng bansa.


Sinabi nito na ang sabay-sabay na pagkilos at pag-arangkada ay larawan aniya ng mga maari pa marating na tagumpay kapag nagkakaisa ang bansa


Sa mga taga suporta nito sa Thailand--

Sinabi ng dating senador na naniniwala itong sa pagsasama-sam sa iisang bangka at walang iwanan, tiyak ay dadalhin ang bansa ng daloy sa pagbangon at kasaganahan


2 views
bottom of page