Lerio Bompat | iNEWS | January 27, 2022

Photo Courtesy: Google Photo
COTABATO CITY, Philippines - Nandigan si Partido Federal ng Pilipinas Presidential Candidate Bongbong marcos sa usapin ng Statement of Assets Liabilities and Net-worth o SALN. Sa Presidential interview sinabi nito na hindi niya isasapubliko ang kanyang SALN.
Ayon sa senador, ito’y kung magamit lang para sa political attacks. Pero ayon kay BBM, nakahanda siyang ilatag ang kanyang SALN kung gagamitin ng korte sa isang paglilitis.
Ginawang halimba ng dating senador ang napatalsik na Chief Justice, Renato Corona kung saan aniya ay minanipula ang analysis ng kanyang SALN upang palabasin na may tinatago ito.
Matatandaan na isa si Marcos sa tatlong senador sa mga hindi bomoto na patalsikin si Chief Justice. Ang dalawa ay si dating Senador Joker Arroyo at ang namayapang senador Miriam Defensor Santiago.