Kristine Carzo | iNews | iMindsPH
Cotabato city, Philippines - Kulungan ang bagsak ng dente dos anyos na lalaki sa ikinasang buybust operation ng Cotabato City PNP Station 3 sa bahagi ng Purok Singko, Barangay Rosary Height 9, Cotabato City, Lunes ng tanghali.
Kinilala ang suspek sa pangalang Dhats na residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Hepe ng Police Station 3 Policed Captain Vincent Wong, isang Police asset na nagpanggap bilang poseur buyer ang nakabili sa suspek ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Maliban pa sa nabiling isang pakete ng pinaghihinalaang shabu, nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang genuine 500 peso bill na ginamit bilang marked money.
Nakapiit na ngayon sa selda ng police station 3 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
