Joy Fernandez | iNEWS | November 29, 2021

Photo courtesy : South Cotabato Provincial Agriculture Office
Cotabato City, Philippines - Ika-dalawamput apat sa buwan ng Nobyembre nang mamahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng nasa tatlumput limang libong Tilapia Fingerlings sa Probinsiya ng South Cotabato.
Naging matagumpay ang pamamahing ito sa tulong na rin ng Provincial Agriculture Office, sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Raul D. Teves Dvm at nina Provincial Fishery Coordinator Rex Vargas at Provincial Fishery Technician Kathryn Alvarez.
Layon ng pamamahaging ito na matulungan ang mga magsasaka sa probinsiya ng South Cotabato upang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan lalo na ngayong panahon ng pandemya.