top of page

BGEN. EDUARDO GUBAT, UMUPO NA BILANG BAGONG CHAIRMAN NG GPH-CCCH

Fiona Fernandez iMINDSPHILIPPINES


Ipagpapatuloy ang nasimulan ng mga naunang chairperson na nagsikap upang panatilihin ang mas matatag na kapayapaan.


Ito ang aasahan kay BGEN Eduardo Gubat matapos umupo bilang bagong chairman ng GPH Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH).


Sa isinagawang Turn-Over Ceremony ngayong araw, October 19, pormal ng itinurn-over ni Outgoing Chairman BGen Antonio Nafarrete ang pwesto kay BGen. Gubat na sinaksihan ni OPPAPRU Undersecretary David Diciano.


Sa kaniyang mensahe, nagpapasalamat si BGen. Nafarrete sa mga kinatawan ng GPH-CCCH dahil sa dalawang taong pagsisikap upang panatilihun ang kapayapaan at ang pagpapalakas pa ng Bangsamoro Peace Process.


Sa eksklusibong panayam ng iMINDSPHILIPPINES kay BGEN. Nafarrete, ibinahagi nito ang kaniyang mga napagtagumpayan sa loob ng dalawang taon.


Magandang ugnayan naman sa mga stakeholders ang ipagpapatuloy ni BGen. Gubat sa kaniyang chairmanship at hindi mawawala sa kaniyang prayoridad ang pagpapanatili ng kapayapaan.


Hindi raw maikakaila ang malalaking parte na ginampanan ng mga naunang chairman ng GPH-CCCH sa kanilang panunungkulan kaya gusto itong ipagpatuloy ni BGEN. Gubat.


Kinilala naman ni OPAPRU Undersecretary David Diciano ang pagsisikap ng mga kinatawan ng GPH-CCCH upang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mekanismo ng pag-uugnay ng mga kinakailangan sa seguridad mula sa Dialogue Phase hanggang sa Reconciliation Phase


Ang seremonya ay dinaluhan din nina MILF CCCH Chair Butch Malang, GPH AHJAG Chair PMGEN Eden Ugale, at PNP BARMM Regional Director John Guyguyon



End



0 views
bottom of page