top of page

BIAF MEMBERS AT ILANG BARANGAY OPISYAL NG COTABATO CITY, NAHANDOGAN NG TULONG MULA SA BARMM READi

Lerio Bompat | iNEWS | January 24, 2022


Photo Coutesy : BARMM READi


Cotabato City, Philippines - Sa rekord ng BARMM READi, dalawamput dalawang barangay officials sa lungsod ng Cotabato ang nahandogan ng tulong mula Bangsamoro READi at labing limang miyembro naman ng BIAF ang nahandogan ng tulong mula sa Project Tabang.


Ito ay mga paunang tulong mula sa dalawang opisina ng BARMM.


Nagpasalamat si Datu Bimbo Ayunan Pasawiran ng Mother Kalanganan ng lungsod sa tuloy-tuloy na pagdating ng tulong mula sa ibat-ibang ahensya ng BARMM sa kanyang nasasakupan. Samantala, si Muner Abdulmanan, miyembro ng BIAF, ay laking pasalamat din nya sa pamunuan ng BARMM sa pangunguna ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa pagtupad ng pangakong pagsilbihan ang buong mamamayang bangsamoro, hindi lamang ang mga miyembro ng BIAF.

17 views
bottom of page