BIFF MEMBER, SUNUKO SA MILITAR SA SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sumuko sa militar si alyas Rosbil, kwarenta anyos na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at miyembro rin ng isang private armed group sa ilalim ng isang Jun Barang.


Sumuko ito noong biyernes sa Sultan Kudarat, Maguindanao.


Sa isinagawang Turn Over Ceremony, Isinuko din ni Rasbil ang kanyang Ultimax 100 5.56mm light machinegun sa militar.


Sinaksihan ito ni Sultan Kudarat, Maguindanao Municipal Administrator Banjo Mampon, at iba pang lokal na opisyal.


Tiniyak ng local government unit ang tulong pinansyal sa sumuko bilang bahagi ng Balik Baril program ng militar. Sasailalim din si Rasbil sa dokumentasyon para sa pag-iisyu ng clearance at mga dokumento para sa kanyang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.

9 views