top of page

BIFF SUMUKO SA MILITAR


Panibagong apat na mga kasapi ng teroristang BIFF mula sa Sultan Kudarat Province ang nagbalik-loob sa gobyerno.


Inaharap ng 1st Mechanized Infantry Lakan Battalion ang apat na BIFF na nagbalik-loob kay 1st Mechanized Infantry (Maasahan) Brigade Commander, Colonel Andre Santos sa isang maikling programa na ginanap sa Camp Leono, Kalandagan, Tacurong City, Abril a bente Otso.


Ayun kay Col. Santos, kasamang ibinaba ng dating ekstremista ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng dalawang Garand Rifle, isang M14 Rifle, isang 7.62mm Sniper Rifle, isang Anti-Personnel Mine at isang Rifle Grenade.


Ikinagalak naman ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang ipinakitang senseridad ng apat na indibidwal sa pagnanais na maging matiwasay ang pagsasama nila ng kanilang pamilya.


Pinuri naman ng 6ID at JTF Central Commander ang 1st Mechanized Battaion at 1st Mechanized Brigade sa pagsusumikap ng mga ito na masawat ang mga armado at mayroong armas sa komunidad.

0 views0 comments