Alejandro M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 14, 2022

Cotabato City, Phils - Magpapatuloy ang “Super bigtime” oil price hike na pinakamalaki ngayong taon.
Base sa average ng buong linggo, bagama’t bumababa na ang presyo ng langis sa world market sa susunod na dalawang araw ng linggo, naglalaro pa rin sa 11.80 hanggang 12 ang taas ng presyo ng diesel.
Maglalaro naman sa halos P7 ang presyo ng gasolina habang ang kerosene ay P9.70 ang magiging dagdag sa presyo.
Dulot pa rin ito ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagpapataas ng presyo ng krudo sa merkado.
Ayon sa mga taga-industriya, patuloy na bumaba ang presyo ng langis sa world market na kung tuloy-tuloy ay pwedeng magkaroon ng roll-back sa mga susunod na linggo.
Una nang nakiusap ang Department of Energy na utay-utayin ang taas presyo pero wala pang sagot ang mga oil company tungkol dito.
End.