Joy Fernandez | iNEWS | December 13, 2021

Cotabato City, Philippines - Matapos ang sunod-sunod na oil price rollback, isa na namang masamang balita para sa mga motorista dahil may aasahang big time taas presyo sa mga produktong petrolyo bukas.
Pahayag ng mga kumpanya ng langis, bumabawi kasi ang presyo ng langis sa world market dahil nakikitang hindi naman ganun kabagsik ang bagong variant ng Covid-19 na Omicron.
Ngunit dagdag nila na ang pagbawing ito ay pauna pa lamang sapagkat mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 sa Europa at may mga lockdowns pa rin sa China.
Kaya naman base sa pagtatantya, maglalaro mula P1.60 hanggang P1.70 ang magiging taas-presyo sa produktong gasolina.
P1.50 hanggang P1.35 naman ang aasahang taas-presyo sa diesel---
Habang P1.20 hanggang P1.30 ang aasahang taas-presyo sa produktong kerosene.