top of page

Big time taas presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ngayong araw!

Joy Fernandez | iNews | December 14, 2021




Matapos makahinga ang maraming motorista dahil sa limang sunod-sunod na bawas-presyo sa produktong petrolyo----


Muli na namang nagsagawa ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis.


Bandang alas dose uno kaninang hating-gabi ng magsagawa ng oil price hike ang kumpanyang Caltex kung saan mayroon silang P1.60 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina, P1.35 sa kada litro ng diesel at P1.20 dagdag presyo naman sa kada litro ng kerosene.


Alas sais naman ng kaninang umaga ng magsagawa ng taas presyo ang mga kumpanyang Shell, Seaoil, Flying V at Petron. Mayroon silang P1.60 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina, P1.35 dagdag presyo sa kada litro ng diesel at P1.20 dagdag presyo naman sa kada litro ng kerosene.


Bandang alas sais din ng umaga ng magtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang kumpanyang Petro Gazz at PTT Philippines. May P1.60 silang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at P1.35 dagdag presyo rin sa kada litro ng diesel.


Habang alas-kwatro naman ng hapon ng may P1.60 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina ang kumpanyang Cleanfuel at P1.35 dagdag presyo rin sa kada litro ng diesel.

7 views
bottom of page