BIGAS PARA SA 180 EMPLOYEES

Pinagkalooban ng tig-isang sako ng bigas ang isang daan at walompong empleyado ng defunct Maguindanao na dumalo sa isinagawang consultative meeting ng MILG at transition team ni OIC Governor Abdulraof Macacua.
Photo Courtesy: Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan
Tinanggap ng isang daan at walompong empleyado ng defunct Maguindanao ang tig-isang sako ng bigas mula sa PROJECT TABANG ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim.
Ito ang mga empleyado na dumalo sa consultative meeting kahapon ng umaga ng MILG at transition team ni Maguindanao del Norte OIC Governor Abdulraof Macacua na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa loob ng Bangsamoro Government Center.
Sa halos tatlong oras na pulong, tinalakay ang mga isyu at hinaing ng mga empleyado. Binigyang linaw din ng MILG ang ilang mga isyu at sinagot ang tanong ng mga empleyado.
Ang distribusyon ng bigas ay pinangunahan ni Dr. Tumanda Antok, ang Provincial Transition Chair of Maguindanao Del Norte.