top of page

BIGTIME OIL PRICE ROLLBACK SA DIESEL AT KEROSENE, INAASAHAN

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


May bigtime oil price rollback na inaasahan ngayong linggo sa produktong Diesel at Kerosene, samantala nagbabadya naman ang taas-presyo sa produktong gasolina.


Nasa 3.07 bawas presyo ang inaasahan sa kada litro ng Diesel at 3.45 bawas presyo sa kada litro ng Kerosene, habang nasa 0.51 naman ang dagdag singil sa kada litro ng Gasolina.


Ngunit ayon sa mga taga-industriya ng langis, huwag munang makampante dahil posible pang tumaas ang presyo ng diesel kapag nagsimula na ang pagpasok ng taglamig sa Europa at Amerika, kung saan kinakailangan ito bilang heating fuel.

0 views
bottom of page