Joy Fernandez | iNews | December 2, 2021

Photo courtesy : Inquirer
Cotabato City, Philippines - Sa unang dalawang araw ng National Covid-19 Vaccination Drive Campaign ng National Government----
Hindi bababa sa 5.1 milyon na mga Pilipino ang tumanggap ng bakuna kontra Covid-19.
Ngunit inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na sa kabila ng bilang na ito ay umaasa pa rin siya na maaabot ang target sa kampanya na siyam na milyong Pilipinong bakunado.
Subalit nagtapos na kahapon ang 3-day Vaccination Drive---
Kaya dagdag ni Galvez na irerekomenda ng National Task Force Against COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa hanggang bukas ang Vaccination Drive.
May ilang LGUs na rin na humirit ng extension sa naturang kampanya.
Samantala, may ikinakasa ng ikalawang round ng national COVID-19 vaccination days sa ika-labinlima hanggang ika-labimpito ng Disyembre.