Amor Sending | iNEWS | January 27, 2022

Photo Courtesy: DOH
COTABATO CITY, Philippines - Tatlo katao ang dumagdag sa listahan ng mga nasasawi sa bansa dahil sa mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant, dahilan para umabot na ito sa lima.
Ito ang Kinumpirma ng Department of Health nitong Miyerkules.
Ayon sa ahensya , Isa rito ay partially vaccinated, isa rin ang hindi pa nababakunahan at ang nalalabing tatlo ay bineberipika pa.
Ang tatlong pumanaw dahil sa sakit ay napag-alaman matapos magsagawa ng pinakahuling sequencing run.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng detalye ang DOH kung taga-saan ang tatlong bagong namatay mula sa kinatatakutang variant, na sinasabing nakaapekto sa biglaang pagsirit ng COVID-19 cases matapos ang holiday season.
Una ng sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong martes, na nakarating na ang BA.1 at BA.2 sublineages o "Stealth Omicron" sa lahat na ng mga rehiyon sa bansa
Aniya, ang BA.1 sublineage ay madalas makita sa mga balikbayang Pilipino at sa Region 5. Habang ang BA.2 naman ay karaniwang naoobserbahan sa mga lokal na kaso sa lahat ng dako ng bansa.
Sa patuloy na pagkalat ng omicron variant sa Pilipinas at ulat tungkol sa 2 sub-lineage o uri nito, nagpaalala ang World Health Organization (WHO) sa publiko na patuloy na mag-ingat.