Kristine Carzo | iNEWS | September 15, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakakabahala na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ayon kay Cotabato City Health Officer, Dr. Meyasser Patadon.
Sa datus ng City Health Office, hindi bababa sa dalawampu hanggang limampung kaso ng Covid-19 ang naitatala sa lungsod kada araw.
Sa kasalukuyan umaabot na sa 3,371 ang kaso ng Covid-19 sa lungsod, 352 ang nanatiling aktibo, 2,892 ang gumaling at 127 ang pumanaw.
Samantala
Sa naging monitoring ng Doctor sa mga ospital sa lungsod punuan na rin aniya ang covid facility ng Cotabato Regional and Medical Center.
Ayon kay Dr. Patadon, inihanda na nila ang mga quarantine facilities sa lungsod upang magamit ng mga pasyenteng asymptomatic at mayroong mild symptoms ng covid-19.
