Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Dinagsa ang Mall of Asia Arena Sabado ng gabi sa ginanap na concert “Happier Than Ever, The World Tour," ng sikat na 20-year-old multiple Grammy winner na si Billie Eilish.
Trending sa Social Media dahil kaniya-kaniyang post ang nga fans nito kabilang na ang mga sikat na vloggers at influencers ng Pilipinas.
Trending din ang nga litratong ito ni Niana Guerrero na matiyagang naghihintay at pumila para sa Concert ng kaniyang idolo.
Matatandaang una nang nasabik ang nga fans matapos magpost sa kanyang IG account ang singer ng larawan ng Mall of Asia Arena, hudyat nang nalalapit na pagkikita nila ng kanuyang nga filipino fans.
Matatandaang bibisita sana Billie Eilish sa bansa nitong nakaraang September 2020 para sa kanyang concert na “Where Do We Go? World Tour" ngunit hindi ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.
Isa sa mga matagumpay na album ng American singer-sobgwriter na si Billie ang "When We All Fall Asleep, Where Do We Go?" na tumanggap ng Grammys grand slam.