top of page

BLACK PANTER, INANUSYONG MAY SEQUEL; MGA CAST, NAGBIGAY PUGAY SA YUMAONG BIDA NA SI CHADWICK BOSEMAN

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Ang legacy ni Chadwick Boseman at ng kanyang Black Panther na karakter na T'Challa ay mabubuhay magpakailanman.


Ito ang ipinakita ng Marvel Studio.

Ang yumaong aktor, na pumanaw noong Agosto 2020, ay itinampok sa pinakabagong teaser trailer para sa paparating na sequel ng 2018 film na Black Panther: Wakanda Forever, na inihayag sa presentasyon ng Marvel Studios sa San Diego Comic-Con noong Hulyo 23.


Sa isang clip, makikita ang mural ni T’challa, ang ginampanang role ni Boseman sa pelikula na nagangahulugang, kasali pa rin ito sa pelikula.


Tampok din sa trailer ang pagbabalik ng mga star sina Lupita Nyong'o, Danai Gurira, Letitia Wright at Winston Duke mula sa unang pelikula. Kasama nila ang ilang bagong dating, kabilang sina Tenoch Huerta, na gumaganap bilang underwater superhero na si Namor, at Dominique Thorne, na bibida sa paparating na Disney+ series na Ironheart.


Matatandaan bago mamatay, nakapanayam pa ang aktor patungkol sa kung may part 2 o sequel ba ang Black Panter. Sinabi ng aktor na baka hindi niya na kakayanin.


Namatay si Boseman sa sakit na Cancer nitong August 28, 2020 sa edad na 43.

1 view0 comments

Recent Posts

See All