top of page

BLACKPINK, NAGLABAS NG BAGONG SINGLE KASUNOD NG KANILANG COMEBACK

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Finally! The long wait is over!


Nagsilabasan na naman ang mga “Blinks” o fans ng Blackpink dahil sa wakas, ganap nang inilabas ng kanilang favorite K-pop girl group ang bagong single nito na “Pink Venom” nitong Buyernes, August 19, para sa kanilang pagbabalik sa entablado.


Ang "Pink Venom" ay isang pre-release na single mula sa pangalawang studio album ng hitmaking girl group na "BORN PINK," na nakatakdang ilabas sa September 16.


Sinabi ng YG Entertainment na umabot na sa 1.5 million units ang pre-orders para sa album sa isang linggo.


Madali nitong nalampasan ang kanilang "The Album" taong 2020 na nakabenta ng mahigit isang milyong kopya.


Pagkatapos ng pag-release ng album sa September, aasahan namang maglilibot ang Blankpink sa June sa susunod na taon at


Aasahan namang kabilang ang Pilipinas sa pagddadausan ng Worl Tour na nakatakda sa darating na March 25, 2023.


Binuo ng nangungunang K-pop label na YG Entertainment ang grupong Blackpink na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa.


Nagsimula sila sa kanilang debut career taong 2016.


Kabilang sa kanilang nga hit song ang mga kantang “Boombayah”, “Whistle”, "Playing with Fire," "DDU DU DDU DU," at "How You Like That."

4 views
bottom of page