top of page

BLESS PROGRAM


Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government


MILG, NAKIPAGTULUNGAN SA DBM IX AT XII HINGGIL SA LOCAL ECONOMIC ENTERPRISE NG BLESS PROGRAM


Bangsamoro Autonomous Region -Nakipagtulungan ang Minitry of the Interior and Local Government sa Department of Budget and Management Region 12 at Region 9, upang mapahusay at isakonteksto ang manual at mga paksa sa pagpapatakbo at pamamahala ng Capacity Development Component ng Local Economic Enterprise sa ilalim ng Bangsamoro Local Economic Support Service o BLESS Program.


Upang mapahusay at isakonteksto ang manual at mga paksa sa pagpapatakbo at pamamahala ng Capacity Development Component ng Local Economic Enterprise sa ilalim ng Bangsamoro Local Economic Support Service o BLESS Program, nakipagtulungan ang Ministry of the Interior and Local Government sa Department of Budget and Management Region 12 at Region 9.


Isinagawa ito noong May 5 sa General Santos City.


Ang delegasyon ng BARMM ay pinangunahan ni Local Government Development Division Chief Tarhata Balading, Engr Abdulbasit Accoy ng Project Management and Development Division, BLESS focal person, Zaide Amil ng Special Development Fund-Bangsamoro Integrated Rehabilitation and Development (SDF-BIRD), at LGDD Assistant Division Chief Marline Pasil.


Pinuri naman ni DBM IX Regional Director Mark Louie C Martin at DBM XII Regional Director Akmad Usman ang program design ng MILG at nangako para maisakatuparan ito.


Ang BLESS ay isang flagship program ng MILG na nagbibigay ng infrastructure projects sa mga LGUs upang tulungan ang mga ito sa na gampanan ang kanilang corporate power sa pamamagitan ng business ventures na makakatulong sa pagkaloob ng epektibong basic services at facilities.


8 views0 comments