Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 10, 2022

Photo courtesy: 6th Infantry Kampilan Div, PA
Cotabato City, Philippines - Isang bomb factory at taguan ng mga armas at war materials ang natagpuan ng mga elemento ng Joint Task Force Central sa isinagawang operasyon noong Martes, March 8, sa Barangay Pagatin, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, Joint Task Force Central and 6th Infantry Division Commander, ang nadiskubreng factory, ay samu’t saring IED at iba pang sangkap sa paggawa nito at pinaniniwalaang pinapatakbo at ginawa ng Emir ng Daulah Islamiya – Turaiffe Group na si Ustadz Esmael Abdulmalik.
Kabilang sa mga natagpuan ay ang 12 iba’t ibang container type ng IED; blasting caps, ilang gramo ng ammonium nitrate, black powder, sulfur powder, 9-volts battery, anti-personnel claymore mine, mga bala ng RPG at 40mm HEAT, laboratory test tube glasses, electric wires, improvised switch, cartridge shell ng 57RR at isang remote control.
Sinabi ni MGen Uy na hindi titigil ang JTFC sa pagtugis sa mga terorista upang matigil na ang mga pag-atake sa mga komunidad.
Hinihikayat rin nito ang publiko na maging vigilante at agad na ireport sa kinauukulan kung mayroong mga kahinahinalang indibidwal o bagay sa komunidad..
End.