top of page

BONGBONG-SARA TANDEM NG UNITEAM, SUPORTADO NG MNLF-JIKIRI FACTION SA PROBINSYA NG SULU

Kael Palapar

SULU PROVINCE - Isa sa mga miyembro ng MNLF 300 ang yumaong si Yusop Jikiri, ang leader ng MNLF-JIKIRI FACTION ng probinsy ang SULU..


na pinamumunuan ngayon ng kanyang anak, MNLF National Vice Chairman for Military Affairs, Albakil 'Thong' Jikiri.

Ang grupo ay nagpahayag ng suporta sa Marcos-Duterte tandem ngayong darating na May 9, 2022 elections.


"The best choice for MNL is bong bong marcos at inday sara duterte. Ang MNLF at local politicians, governor, they all support Marcos-Duterte. Ito ang nakikita namin dito sa Sulu kaya nagkaisa kami sa suporta. Gayundin sa Tawi-tawi at Basilan maging sa Zamboanga Peninsula." sinabi ni Jikiri.


Naniniwala ang MNLF-Jikiri Faction na maipagpapatuloy pa ni Presidential Aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr at kanyang runningmate sa pagkabise president Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang mga nalalabi pang hakbang sa peace process sa pagitan ng gobyerno at MNLF.


"Nakikita namin na siya ang makakabigay kung anuman ang pagkukulang sa Tripoli Agreement at peace process na legacy ng Pangulong Duterte, naniniwala kami na siya ang magpapatuloy." dagdag pa ni Jikiri.


Nananawagan naman si Jikiri sa lahat ng MNLF members sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi maging sa Zamboanga Peninsula na suportahan ang naging desisyon ng grupo.



12 views
bottom of page