Joy Fernandez | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : NCOA
Cotabato City, Philippines - Kahapon, araw ng huwebes, inihayag ni National Vaccination Operations Center o NVOC Chairperson Myrna Cabotaje na posibleng magsimula na ang pagturok ng Booster Shot ng Covid-19 sa mga Senior Citizens at Adult's With Commorbidities.
Sa ngayon ay inaantay na lamang nila na mailabas sa katapusan ng linggo ang guidelines para sa pagbabakuna ng mga nasabing priority groups.
Ang guidelines na ito ay kinakailangan dahil iba ang mga panuntunan para sa mga Healthworkers na una ng pinahintulutan na tumanggap ng kanilang 3rd dose ng Covid-19 vaccine at iba rin para sa mga Senior Citizens at Adult's With Commorbidities.
Ngunit ayon sa Department of Health at Vaccine Expert Panel, prayoridad pa rin ngayon na maturukan ang mga Pilipinong hindi pa tumanggap ng kahit isang dose ng bakuna kontra Covid-19.
Target kasi ng pamahalaan na makapag-fully vaccinate na ng lagpas 77 milyon upang magkaroon ng herd immunity ang bansa kontra COVID-19...
Nasa 32.5 milyon pa lang ang mga naitalang kumpleto na ng kanilang bakuna habang 40.1 milyon naman ang tumanggap ng unang dose ng bakuna.