top of page

BOOSTER SHOTS NG COVID-19 VACCINE PARA SA MGA SC AT IMMUNOCOMPROMISED INDIBIDWAL, NAGSIMULA NA

Joy Fernandez | iNEWS | November 23, 2021


Cotabato City, Philippines - Matapos payagan noong nakaraang linggo ang pagbibigay ng 3rd dose ng covid-19 vaccine para sa health workers----


Kahapon, araw ng lunes, sinimulan na rin ang pagturok ng booster shots ng Covid-19 vaccine para sa mga Senior citizens at mga immunocompromised na indibidwal.


Sa inilabas na panuntunan, maaaring tumanggap ng 3rd dose ng covid-19 vaccine ang isang tao, kung hindi bababa sa anim na buwan simula ng makumpleto niya ang pagpapabakuna.


Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa may immunodeficiency na pwedeng magpabakuna ay mga taong may HIV, sumailalim sa transplant gayundin sa immunosuppressive treatments at mga may cancer.


Habang ang mga indibidwal na may ibang pang uri ng sakit ay sa susunod na linggo pa maaaring magpabakuna, ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III.

11 views
bottom of page