Joy Fernandez | iNEWS | December 16, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Isinasaayos ngayon ang provincial road ng Tampakan-Tablu, sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.
Nasa humigit kumulang 80.21 porysento ng tapos ang nasabing proyekto----
Kung saan may pondong inilaan ng higit sa labing-tatlong milyong piso upang maisakatuparan ang pagsasaayos ng daan.
Isa sa mga Prayoridad ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang matutukan ang mga proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan---
Kabilang na ang pagsasaayos ng mga daan upang hindi na mahirapan pa sa pag-aangkat ng mga produkto mula sa malalayong lugar papuntang bayan at mas mapadali na rin ang pagpapaabot ng serbisyo ng pamahalaan.