Kate Dayawan | iNEWS | December 16, 2021

Photo courtesy : BPDA
Cotabato City, Philippines - Sa layuning mas mapabuti ang coordination mechanism sa pagitan ng Bangsamoro Government at local at international partners nito, isinagawa ng Bangsamoro Planning and Development Authority ang kauna-unahang BARMM Donors Forum sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, BARMM Compound, Cotabato City.
Dito ay napag-usapan ang mga hamon at oportunidad sa pamamahala na natugunan sa tulong ng development partners.
Sinabi ni Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim via Zoom, hanggang sa kasalukuyan umano ay makikita kung papaano iniligtas ng mga development partner ang Bangsamoro peace process at tumutulong sa patuloy na pagsisikap upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlarang sa Bangsamoro region.
Inihayag naman ni United Nations Resident Coordinator Gustavo Gonzalez at National Economic Development Authority Assistant Secretary Gred Pineda ang kanilang pangako na susuporta ito sa pagpapalakas ng samahan kasama ang Bangsamoro Government.