Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Paliliparin na ng MENRE BARMM ang na-rescue na Brahminy Kite na uri ng ibon at isa sa mga endangered species.
Itinurn-over ito sa MENRE ng mga opisyal ng Barangay Poblacion 7, Cotabato City matapos ma-rescue.
Araw ng lunes nang ma-rescue ang ibon. Sumabit ito sa isang sinulid ng saranggola nang matagpuan. Kilala ang ibon bilang "red-backed sea-eagle" sa Australia at karaniwang matatagpuan sa subcontinent ng India, Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, at Australia.
Hindi naman nasugatan o nasaktan ang ibon.
Pinaalalahanan din ang publiko na ang pagkuha, pagkatay, at pagbebenta ng mga endangered species ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.