top of page

BRUCE MATABALAO AT BUTCH ABU, IPRINOKLAMA BILANG BAGONG ALKALDE AT BISE ALKALDE NG COTABATO CITY

Kate Dayawan

COTABATO CITY — Prinoklama na kagabi bilang nanalong alkalde ng Cotabato City ang kandidato ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na si Bruce Matabalao.


Panalo rin bilang bise alkalde ng lungsod ang kanyang running mate at kapartido na si Butch Abu.


Nakakuha si Matabalao ng 35, 751 votes habang 30, 147 votes naman ang nakuha ng kasalukuyang alkalde Atty. Cynthia Guiani Sayadi.


Si Butch Abu ay nakakuha ng 32, 681 votes habang 27, 210 votes naman ang nakuha ng kasalukuyang bise alkalde Graham Nazer Dumama.


Ang proklamasyon ay isinagawa kasunod ng pag-apruba ng pagpababa ng “threshold” matapos macanvass ang mahigit 90 % ng mga election returns.


Ayon kay Cotabato City Election Officer Atty. Nasroding Mustapha, mayroon pang 5 clustered precincts ang hindi na canvass na mayroong 3, 264 votes pero hindi na aniya ito makaka apekto dahil 5, 601 votes ang lamang ni Matabalao kay Guiani.


Ganoon din sa botong nakuha ng nanalong bise alkalde kung saan lamang si Abu ng 6, 471 votes kay Dumama.











26 views
bottom of page