BTA DEPUTY SPEAKER, ATTY OMAR YASSER SEMA, HINDI PABOR SA REORGANIZATION NG MGA MINISTERYO SA BARMM
Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

"On a personal note, I think it is my position— it will not good for the Bangsamoro to re-organize on this point of time..."
Ito ang sinabi ni BTA Deputy Speaker, Atty. Omar Yasser Sema kasunod ng isinusulong na panukalang batas hinggil sa reorganization ng mga ministries sa BARMM.
Ayon sa opisyal, prayoridad muna ang mga priority codes at hindi pa tamang oras upang baguhin ang istruktura ng Bangsamoro Government lalo na at nasa transition phase pa ito.
Sinabi pa ni Sema, na hindi ganoon kadali ang paghahati ng mga nakasanayan ng ministeryo.
Photo courtesy: MP Atty Omar Sema
"Considering na nasa ransition period pa tayo, very difficult task… it will undo anything… unparactical…pwede mangyari yan after the transition period."
Dagdag pa nito, posible naman ang paghiwa-hiwalay ng mga ministeryo pagkatapos ng transition period kung saan, nakalatag na ang kailangang tapusin.
Bukod sa pahihiwalay ng ilang ministries, naihain din sa BTA ang panukalang batas na naglalayong pag isahin ang tatlong commission sa BARMM.
"I think they are all under the chief minister…"
Maghiwalay na usapin din ayon sa opisyal ang panukalang naglalayong gawing Adminisrative center ng BARMM ang Parang, Maguindanao at gawing government seat ng BARMM ang Cotabato City.
"That would be a different story kasi nilagay lang dun sa bill administrative center so we’ll look at it and see kung ano pa ang difference sa government center… may pagkakaiba naman din talaga"
Sa usaping budget, sapat naman daw ang mahigit 85 billion pesos proposed budget para sa Fiscal Year 2023.
"I think that would be enough… technical budget gina-guide na rin ang mga ministries… hindi na sila excuse sa limit kasi maluwag luwag na tayo… we will have to look at it."
End