top of page

BTA, NAGSAGAWA NG PUBLIC CONSULTATION PARA SA PAGBUBUO NG BANGSAMORO SUSTAINABLE DEVELOPMENT BOARD

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 18, 2022

Photo courtesy : BTA Parliament


Cotabato City, Philippines - Nakiisa ang mga miyembro ng academe, non-government organizations, religious and civil society groups, development partners at private sectors sa isinagawang first hybrid public consultation ng Bangsamoro Transition Authority para sa BTA Bill No. 53 o ang Bangsamoro Sustainable Development Board o BSDB.


Binigyan ng pagkakataon ang mga stakeholders na mag-comment, magrekomenda at makapagbigay ng legislative inputs para sa isinusulong na panukala na sisiguro sa integrasyon at pagkakaisa ng economic, social at environmental considerations bilang vital dimensions ng sustainable development policy and practice sa Bangsamoro region.


Isa sa mga may akda ng BTA Bill na ito ay si MP Engr. Baintan Adil-Ampatuan kung saan sinabi nito na ang sustainable development ay isang global concern at dapat na ikonsidera bilang isa sa mga primary priorities.


Sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, dapat na bumuo ng isang BSDB ang parlyamento na binubuo ng mga representante mula sa National at Bangsamoro Government.


Kung maisasabatas, paplanuhin namang mabuti ng Board ang ecological balance at natural resources upang maprotektahan at maiangat ang kalidad ng buhay ng mga mamamayang Bangsamoro.


Ang BSDB ay pamumunuan ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) – BARMM.


Habang ang ibang Minister naman mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform; Ministry of Interior and Local Government; Ministry of Science and Technology; Ministry of Trade, Investment, and Tourism; Ministry of Indigenous People’s Affairs; Bangsamoro Youth Commission; Bangsamoro Women Commission, at ang Director-General ng Bangsamoro Planning and Development Authority ang magiging bahagi ng Board.


Kabilang sa magiging kapangyarihan at functions ng Board ay ang pagbuo ng comprehensive framework para sa sustainable development sa pamamagitan ng wastong konserbasyon, paggamit at pagdevelop ng natural resources at marami pang iba.


Sa ilalim ng proposed bill, ang funding support ng Board ay mapapabilang sa annual budget ng Bangsamoro Government.


Nakatakda namang simulan ang ikalawang konsultasyon sa March 21.


END

3 views
bottom of page