Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Wala umanong katotohan ang kumakalat na impormasyon online hinggil sa panghihingi ng angsamoro Treasury Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BTO-BARMM ng 1,500 pesos para sa agarang proseso ng mga dokumento ng mga PNP applicants sa ilalim ng special quota na itinakda ng napolcom para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF.
Sa facebook post ng tanggapan, sinabi ng Bangsamoro Treasury Office na ang mga opisyal at kawani nito ay walang kinalaman sa paraan ng pagproseso ng anumang mga aplikasyon sa anumang opisina sa Bangsamoro Government
Tanging operasyon lamang sa treasury ang tinutugon ng kanilang tanggapan.
Sinubukan hingan ng iNews Team ng karagdagang pahayag ang nasabing tanggapan sa pamamagitan ng komunikasyon sa messenger subalit tumanggi muna ang tanggapan na magpa- unlak ng interview hinggil sa usapin.
Hinihikayat naman ngayon ng BTO-BARMM ang publiko na suriing mabuti ang mga post na nakikita sa social media dahil maaring umanong humantong sa pag-iisip na ang kanilang opisina ay nagsasagawa ng ganitong klase ng katiwalian kasunod ng mga malisyosong post online.
Hinihimok naman ng tanggapan na ipagbigay alam sa 557-4554 at email address na bto@bangsamoro.gov.ph ang impormasyon o aktibidad na may kaugnayan sa panghihingi ng pera at pagproproseso ng aplikasyon ng mga sasailalim sa qualifying exam ng napolcom na nagnanais maging isang pulis.
Sa kasalukuyan ay mayroon mahigit 4,000 na ang nagpasa ng kanilang aplikasyon sa NAPOLCOM-BARMM.
Itinakda ang huling pagsubmite ng aplikasyon ngayong darating na biyernes, May 27.
Nakatakda naman isagawa ang pagsusulit ngayong darating na May 29 sa iba't ibang paaralan sa Cotabato City at sa bayan ng Parang sa Maguindanao.