Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Paglalagda nalang ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Health at South Cotabato Provincial Government ang hinihintay para maaprubahan ang bagong pondo na ilalaan sa pagpapatayo ng Provincial
Hospital sa South Cotabato.
Photo courtesy : Provincial Govt of South Cotabato
Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., mula sa 200 million pesos, umabot na sa 400 million pesos ang kinakailangan ilaan na budget para sa konstruksyon ng Provincial Hospital.
Bagama’t wala pang petsa kung kailan sisimulan ang konstruksyon, nakatakdang itatayo ito sa Protech Center, Koronadal City.
Aasahan din mas malaki ang itatayong extension hospital kumpara sa existing na hospital.
End