Kate Dayawan | iNEWS | October 12, 2021
Cotabato City, Philippines - Nasira ang nasa 26 na kabahayan sa Barangay Talon-Talon sa Zamboanga City.
Ito'y matapos na manalasa ang isang buhawi hapon noong Linggo.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Dr. Elmeir Apolonario, wala naman umanong naitalang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.
Ayon naman sa report ni Talon-Talon barangay chairman Casmir Candido, kabilang sa mga lugar sa barangay na naapektuhan ng buhawi ay ang Candido urban poor, Sunrise drive, Logoy Grande, Omar Drive, Logoy grande at Puerto Princesa drive.
Agad namang sumangguni sa lugar ang ZCDRRMO kasama ang City Social Welfare and Development Office na nagsagawa ng assessment at validation para sa grant ng financial assistance.
Namahagi rin ang mga ito ng pagkain.
Nakaranas ng malakas na bugso ng hangin at mga kalat-kalat na pag-ulan sa lungsod ng Zamboanga dulot ng tropical storm Maring at Southwest Monsoon.
Dahil rin dito, natumba ang mga puno at nasira ang mga kabahayan at iba pang mga ari-arian kabilang na ang isang sasakyan sa Pasonanca at naging dahilan rin ng matinding traffic sa San Jose Gusu at Sinunuc.
Nagtamo ng minor injuries ang isang lola dahil sa nasabing insidente.
Sa Barangay Ayala naman, binantayang mabuti ng mga kawani ng barangay ang sitwasyon sa lugar kung saan nagbabadyang tumaas ang tubig sa Calle San Vicente at Calle Sto. NiƱo.
Ang nasabing barangay ay mayroong tatlumpong daang pamilya na nakatira.
Dahil rin sa malakas na pagbugso ng hangin at ulan, muntikan na rin masira ang steel bridge sa Calle San Miguel ng Barangay Ayala.
Samantala, itinaas naman sa Orange warning ang alert level sa Barangay Tugbungan.
Ito'y matapos na umabot sa 3.72 meters ang taas ng tubig ng Tumaga river pasado alas tres ng hapon kahapon, October 11.
Mula naman sa nomal level na 74.20 meters, tumaas din sa 75.3 meter ang tubig sa Pasonanca diversionary weir.
Ang Orange warning ay isang nangangahulugan na "with intense rains, flooding isa threatening, and the public is advised to be alert for possible evacuation."
