top of page

BUHAY AT KABUHAYAN, SIMPLENG FORMULA NI PRESIDENTIAL CANDIDATE ISKO MORENO

iNEWS | November 18, 2021


Photo courtesy : IM Pilipinas


Cotabato City, Philippines -

SA KANYANG #ISKOnomics101-


Sinabi ni Manila Mayor at Presidential Candidate Isko Moreno na sa kasalukuyang pandemya, simple lang ang formula para makabangon muli ang ekonomiya ng bansa-


At ito ay ang Buhay at Kabuhayan.


Mula sa pagpapatupad ng isang malinaw na stratehiya laban sa COVID-19 hanggang sa pagpapatayo ng imprastraktura na nakatutok sa kalusugan, karunungan, at hanapbuhay ng tao.


Sinabi ni Mayor Isko na maiaahon ang ating mga industriya’t negosyo at ligtas nang makakabalik sa kanya-kanyang trabaho ang bawat mamamayan.


Isususulong din nito ang 50 percent tax cut sa langis at kuryente, bakuna para sa lahat, makabago at modernong paaralan, maunlad na kultura sa makabagong panahon, bawasan ang pag import ng bigas, proteksyonan ang karapatan ng mga mangingisda, palakasin ang industriya ng business process outsourcing at knowledge processing outsourcing.

3 views
bottom of page