BULUTONG TUBIG, TIGDAS AT POLIO

Photo Courtesy: Municipality of Datu Odin Sinsuat
MAYOR LESTER SINSUAT, HINIKAYAT ANG MGA RESIDENTE NG DOS NA PABAKUNAHAN ANG MGA ANAK EDAD 5 PABABA KONTRA BULUTONG TUBIG, TIGDAS AT POLIO
Datu Odin Sinsuat -Hinihikayat ni Mayor Lester Sinsuat ang lahat ng mga magulang na may anak na limang taong gulang pababa pabakuhanan ang mga anak kontra Bulutong Tubig, Tigdas at Polio mula Mayo 1-31, 2023.
Puspusan ang kampanya ng Datu Odin Sinsuat LGU sa Bakunahan Kontra Tigdas, Rubella at Polio.
Noong a dos ng Mayo, isinagawa ito sa covered court ng bayan na pinangunahan ni Mayor Lester Sinsuat kasama ang MHO-IPHO.
Hangad ng alkalde na mabigyan ng proteksyon ang mga bata na wala pang limang taong gulang laban sa Rubella o Bulutong Tubig, Measles o Tigdas at Polio.
Hinihikayat naman ng alkalde ang lahat ng mga magulang na may anak na limang (5) taong gulang pababa na pabakunahan na ang mga anak at makiisa sa immunization mula May 1 to 31, 2023.
Maaring magtungo ang mga residente sa mga health center sa kanialng barangay.