top of page

BUONG PILIPINAS, SASAILALIM NA SA COVID-19 ALERT LEVEL SYSTEM SIMULA NGAYONG ARAW

Joy Fernandez | iNEWS | November 22, 2021

Photo courtesy: Inquirer


Cotabato City, Philippines - Matapos aprubahan ng Malacañang...


Sasailalim na simula ngayong araw ang buong Pilipinas sa Covid-19 Alert Level System.


Ang buong Mimaropa, Benguet, Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region, malaking bahagi ng Caraga at Bangsamoro Region ay isasailalim sa Alert Level 3 kung saan pinapayagan ang limitadong tourism activity.


Ang Apayao, Mountain Province at Ifugao sa CAR, Dinagat Islands sa Caraga, at Sulu ay isasailalim naman sa Alert Level 2 simula ngayong araw, November 22 hanggang katapusan ng buwan.


Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion, wala pa rin namang lugar sa bansa ang nasa Alert Level 1 dahil kailangang 70 hanggang 80 porsyento ang vaccination rate sa lahat ng Lokal na pamahalaan habang ang mga Senior Citizens ay dapat 70 porsyento na ang bakunado sa buong rehiyon.


Sa Datos ng Department of Health, limang magkakasunod na raw ng hindi lumalampas sa 1500 ang mga naitatalang kaso sa bansa...

Kaya naman sa pagtaya ng OCTA Research Team, bababa pa sa isanlibo ang mga bagong kaso sa bansa sa katapusan ng buwan.

35 views
bottom of page