top of page

BUY-BUST


Photo Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region


2 LALAKI, EDAD 22-ANYOS AT 18-ANYOS, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA COTABATO CITY; MAHIGIT P240K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NAKUPISKA


Arestado naman sa Cotabato City ang isang bente dos anyos at dise-otso anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad kung saan nakumpiska ang mahigit dalawang daang libong pisong halaga ng hinihinalaang shabu.


Kulungan ang bagsak ng isang bente dos anyos na si alyas datumama at isang dise-otso anyos na dating estudyante matapos ikasa ng otoridad ang buy-bust operation sa Cotabato City Plaza, Poblacion 6, Cotabato City araw ng Biyernes, May 5.


Nakuha sa mga ito ang tatlumpong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 204 thousand pesos.


Nakuha rin sa posesyon ng mga ito ang marked money. Nasa kustodiya ng Police Station 1 ng CCPO ang mga naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



10 views0 comments

Recent Posts

See All