BUY-BUST

LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA TANTANGAN, SOUTH COTABATO
Tantangan, South Cotabato - Sa Tantangan, South Cotabato, tiklo din ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng R.A. 9165 ang isang nagngangalang Errol matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Tantangan PNP, a siete ng Mayo sa Purok Aurora, Brgy. Poblacion, Tantangan, South Cotabato.
Resulta ito ng pinaigting na Anti-illegal drug operation sa lugar.
Nakuha mula sa posesyon ni Errol ang isang maliit na sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at isa pang sachet na tumitimbang ng 1.1 gramo at may Standard Drug Price na 7,480.00. Nakuha rin sa posesyon nito ang isang five hundred peso bill na ginamit na buy bust money.
Nasa Tantanan MPS ngayon ang naaresto habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso.