top of page

CACAO FARMERS ASSOCIATIONS SA SOUTH COTABATO, PINAGKALOOBAN NG TULONG NG PROVINCIAL GOVERNMENT

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Nagpapasalamat ang mga Cacao Farmers sa tulong mula sa South Cotabato Provincial Government.


Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), pitong cacao associations ang pinagkalooban ng mga Machinery bilang suporta sa pagtatayo ng mga sakahan sa ilalim ng liderato ni Governor Reynaldo S. Tamayo.


Ito ay sa hangarin na makagawa ng mga de-kalidad na produkto ng cacao at mapabuti ang industriya sa lalawigan para hikayatin ang mas maraming investor na piliin ang South Cotabato bilang pagkukunan ng kanilang mga raw materials.


Nakatanggap kamakailan lang ang Banga Coffee Cacao Farmers Association (BACOCAFA) ng foliar fertilizer, grass cutter, at pruner mula sa OPAG mula sa High-Value Crops Development program sa ilalim ng Department of Agriculture Region XII.


Bukod pa rito, tatlumpung crates at dalawampung sako ng mga inorganic fertilizer ang nakatakdang ihatid para sa asosasyon.


Anim na cacao growers naman ang nabigyan ng cacao processing machinery na binubuo ng walong cacao grinder; at dalawang cacao roaster.


Kabilang sa mga nahandugan ng tulong ay ang South Rays Valley Food Association na nakatanggap ng cacao grinder at isang cacao roaster ; Tibud sa Katibawasan Multipurpose Cooperative na nakatanggap ng 2 cacao grinder at isang cacao roaster; acfaon Farmers’ 'Producers Association na nakatanggap ng isang cacao grinder; Gernil’s Farm na hinandugan ng Cacao Grinder; Tablo Coffee and Cacao Farmers Association na hinandugan ng isang Cacao Grinder; at Palo 19 Farmers Association na nakatanggap ng isang cacao grinder.


Ang nasabing kagamitan ay pinondohan mula sa Local Development Fund para sa taong 2021.


5 views
bottom of page