top of page

CANADIAN GOVERNMENT, NANGAKONG MAGBIBIGAY NG DONASYON PARA SA DEVELOPMENT TRUST FUND NG BARMM

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 11, 2022

Photo courtesy : Bangsamoro Government


Cotabato City, Philippine : Upang makamit ang sustainable development project sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nangako ang gobyerno ng Canada na magbibigay ito ng donasyon para sa Bangsamoro development trust fund na nagkakahalaga ng 178 million pesos.


Tutustusan ng pondong ito ang pag-aaral sa normalisasyon ng rehiyon, knowledge sharing activities, communication materials development at ang regular na konsultasyon na makakatulong sa mga dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front at muling madevelop ang anim na dating kampo ng MILF na maging “peaceful and productive communities.”


March 7, 2022, inihayag ng World Bank na magbibigay ng $4.38-million Canadian dollar para sa Bangsamoro Normalization Multi-Donor Trust Fund sa susunod na tatlong taon.


Taong 2021 nang simulant nitong pamahalaan ang trust fund, mula sa mga natatanggap na donasyon para sa BARMM development, na tutustos sa peace process sa rehiyon at magpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga resource mula sa development partners.


Hahatiin sa limang tranche ng Canada ang pagdeposit ng pera sa pagitan ng March 31, 2022 at June 30, 2025.


Sa report mula sa Bangsamoro Government, maaari naman umanong i-review ng World Bank at Canadian Government ang rate sa kung saan napupunta ang pera base sa bilis ng pagpapatupad ng mga proyekto at ang availability ng iba pang pondo.


Bilang suporta sa mga dating combatant at sa kanilang komunidad, maaaring mapabilang dito ang unconditional cash transfers, vocational training, micro-enterprise promotion at employment assistance.


Bukod pa rito, tutustusan din ng nasabing pondo ang impact assestments sa normalization process ang magbibigay ng technical assistance at training sa mga ahensya ng gobyerno na sangkot sa proseso at gayundin ang pagbibigay ng grants para sa national ang local government agencies para sa operational ang technical support.


End.

3 views0 comments