top of page

CANDIDATE SOLDIERS


283 CANDIDATE SOLDIERS, NANUMPA NA PARA SA SUMAILALIM SA 6 NA BUWAN NA PAGSASANAY BAGO MAGING ISANG GANAP NA SUNDALO


Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte - Nanumpa na dalawang daan at walompo’t tatlong candidate soldiers para sa anim na buwang pagsasanay bago maging ganap na sundalo.


283 na candidate soldiers ang nanumpa kahapon ng hapon na para maglingkod at protektahan ang bansa at sasailalim sa anim na buwang pagsasanay sa 6th Division Training School sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Pinangunahan ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central ang seremonya.


Sinabi ni Major General Rillera sa mga magsasanay upang maging sundalo na manatiling positibo habang sumasailalim sa basic military training.


Ang 283 candidate soldiers ang matagumpay na pumasa sa selection and processing standard na itinakda ng Philippine Army. Dumaan sila sa mahigipit na Physical, Medical, Neurological at Psychological examinations.


Ang CSC Class 759 at 760-2023 ay binubuo ng 270 na mga lalaki at 13 na babae na mula sa

iba't ibang bayan sa mga lalawigan ng Mindanao na sumailalim sa kumpletong proseso ng screening at pre-entry.



4 views0 comments