top of page

CCPO, BUMUO NG SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP NA TUTUTOK SA IMBESTIGASYON SA PAMAMARIL SA KAGAWAD

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Ang Special Investigation Task Force o SITF na binuo ng Cotabato City PNP ang tututok sa kaso ng pamamaril-patay sa Barangay Kagawad ng Rosary Heights 9 na si Alberto Tampos, Huwebes ng umaga sa Governor Gutierrez Avenue, RH-7.


Ayon kay Cotabato City Police Spokesperson PCOL Carmelo Mungkas hindi pa nila maisisiwalat ang motibo sa


krimen.


Ang task force ay pinamumunuan ni Cotabato City Police Director for Operations LTCOL Marlon Del Carmen kasama ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, at PNP Station 2 commander Major Amil Andungan.


Sisikapin umano ng pulisya na malutas ang kaso sa lalong madaling panahon.


Nanawagan naman ang pulisya sa lahat ng mamamayan na makipagtulungan sa kanila upang malutas ang mga krimen sa lungsod.



End


0 views
bottom of page