top of page

CERTIFICATE OF LIVE BIRTH



Mamumuhay na ang mga decommissioned at non-decommissioned combatants ng MILF sa kanilang mga legal na pangalan at mula sa kanilang “NOM DE GUERRE” at mga alyas ngayong mayroon nang Certificate of Live Birth ang mga ito.


Bahagi ng Normalization track sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ang Access to Legal Identity and Social Services for Decommissioned Combatants o ALIAS-DC Project.


Sa Camp Bilal, Munai, Lanao del Norte, natanggap na ng mga decommisssioned at non-decommissioned combatants ng MILF ang kanilang Certificates of Live Birth sa ilalim ng ALIAS-DC Project.


Layon ng programa na resolbahin ang legal identity issues na kinakaharap ng mga dating mandirigma ng MILF at alalayan ang mga ito sa aplikasyon para kumuha ng certificate of live birth na mahalagang requirement para sa government recognition and provision of services.


Ang proyekto ay ipinatutupad ng Initiatives for Dialogue and Empowerment Through Alternative Legal Services o IDEALS Program. Pinondohan ito ng European Union, Australian Embassy in the Philippines, Japan, at ng The Asia Foundation.


Ang ALIAS-DC ay nakatakdang ipatupad sa anim na kinikilalang kampo ng MILF sa Lanao province, Maguindanao at Cotabato.


Pinangangasiwaan ito ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at MILF ang civil registration project sa pamamagitan ng Task Force for Decommissioned Combatants and their Communities o TFDCC sa pakikipagtulungan ng Joint Task Forces on Camps Transformation.


Sampung buwan matapos ilunsand ang proyekto, tumanggap ang IDEALS ng 35, 665 civil regisgtration applications o 112% mula sa 31,715 na target.



0 views0 comments

Recent Posts

See All